Minsan May Isang Doktor (Reaksyong Papel)
Madadaan ba sa medisina ang mga hinanakit na nararamdaman ng isang ama? Ang kwentong “Minsan May Isang Doktor” na sinalin ni Rolando A. Bernales ay isang kwentong napakaganda, kung saan ay mayroon tayong panibagong aral na makukuha. Sa pagbabasa nito, mararamdaman natin ang pagkagalit at pagkalungkot ng dalawang ama.
Sa kwento, mababasa natin ang hindi inaasahang katotohanan, sa likod pala nang mahinahon at mabait na personalidad — mayroon pala itong malungkot na pinagdaraanan. Ang isang amang doktor sa kwento ang inintinding mabuti at mahinahon ang isang ama, kahit naman galit ito na nakipag-usap sa kanya; inintindi niya pa rin ito dahil kabilang na ito sa kanyang trabaho. Ngunit hindi alam ng isang ama ang tunay na nangyari, kaya’t hinusgahan at pinagalitan niya ang doktor dahil lamang sa matagal dumating. Ngunit sa kabila nito, ginawa parin ng doktor ang kanyang makakaya para lang mailigtas ang anak ng isang ama. Sa kalaunan, nailigtas nang matiwasay ang anak ng isang ama; ngunit nakakalungkot lang isipin na nawalan na pala ng anak ang isang amang doktor. Ang kwentong ito ay napakalungkot, dahil isa siyang doktor ngunit hindi man lang siya nabigyan nang pagkakataon na mailigtas ang kanyang sariling anak. Ang kwentong ito ay naghahantid ng mensahe para saatin na huwag basta bastang humusga sa kapwa dahil hindi natin alam ang kanyang tunay na nadarama. Maaaring alamin muna natin ang tunay na pangyayari at huwag pagagalitan agad agad. Dahil hindi natin alam, mas masakit pa pala ang pinagdaanan nang isa kaysa saiyo. Sa huli, huwag kang magalit sa mga propesyonal na doktor dahil tinutulungan ka bilang pagalingin; at saka, manalig ka sa Diyos.
Sa kabuuan, ang kwentong “Minsan May Isang Doktor” ay nagsisilbing paalala sa atin na sa kabila ng ating mga emosyon at reaksyon, may mga bagay na hindi natin alam at hindi natin lubos na nauunawaan. Pinapakita ng kwento ang kahalagahan ng pag-unawa at hindi basta paghuhusga sa mga tao, katulad ng mga doktor, dahil mayroon din silang personal na pinagdadaanan. Kaya’t mahalaga na unawaing mabuti ang sitwasyon at huwag basta bastang humusga sa iba.
Ang akdang ito ay pinamagatang “Minsan May Isang Doktor” na sinalin ni Rolando A. Bernales, et. al. ay matatagpuan sa pahina 23-24.
Comments
Post a Comment