Posts

Minsan May Isang Doktor (Reaksyong Papel)

         Madadaan ba sa medisina ang mga hinanakit na nararamdaman ng isang ama? Ang kwentong “Minsan May Isang Doktor” na sinalin ni Rolando A. Bernales ay isang kwentong napakaganda, kung saan ay mayroon tayong panibagong aral na makukuha. Sa pagbabasa nito, mararamdaman natin ang pagkagalit at pagkalungkot ng dalawang ama.           Sa kwento, mababasa natin ang hindi inaasahang katotohanan, sa likod pala nang mahinahon at mabait na personalidad — mayroon pala itong malungkot na pinagdaraanan. Ang isang amang doktor sa kwento ang inintinding mabuti at mahinahon ang isang ama, kahit naman galit ito na nakipag-usap sa kanya; inintindi niya pa rin ito dahil kabilang na ito sa kanyang trabaho. Ngunit hindi alam ng isang ama ang tunay na nangyari, kaya’t hinusgahan at pinagalitan niya ang doktor dahil lamang sa matagal dumating. Ngunit sa kabila nito, ginawa parin ng doktor ang kanyang makakaya para lang mailigtas ang anak ng isang...